top of page

Bangsamoro Science and Technology Week, isinagawa para sa kaunlaran ng industriya sa BARMM Region

  • Diane Hora
  • Nov 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa paggunita ng Bangsamoro Science and Technology Week na may temang:

"Sustaining Growth through Halal Science, Technology, and Innovation," ibinida ang iba't ibang inobasyon sa isinagawang Technology Forum sa Cotabato State University Gymnasium kahapon.


Ipinaabot ni Mayor Bruce Matabalao ang kanyang suporta, kung saan isa sa sentro ng administrasyon ang pagpopondo sa dagdag karunungan at inobasyon para sa kabataan.


Sa kasalukuyan, may higit sa 616 estudyanteng iskolar ng Cotabato City na naglaan ang LGU ng mahigit anim na milyong piso para sa kanilang edukasyon.


Bukas din ang LGU sa inobasyon at mga makabagong teknolohiya.


Tulad ng Pusaw Center, na gumagawa ng local products mula sa water lily, at ang solar-powered People's Palace, na nagdudulot ng savings sa lokal na pamahalaan.


Sa susunod na taon, makakatanggap ng financial subsidy ang lahat ng enrolled college students sa lungsod.


Nagpapasalamat ang LGU sa Ministry of Science and Technology ng Bangsamoro Government at sa lahat ng institusyon na sumuporta at nagtitiwala sa Cotabato City.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page