Barangay kagawad sa Sto. Niño, South Cotabato, arestado sa buy-bust operation ng awtoridad
- Teddy Borja
- Nov 17
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang barangay kagawad sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Lolong,” 50 anyos, at itinuturing na High-Value Individual.
Ikinasa ang operasyon noong Sabado, November 15, 2025.
Narekober sa kaniyang posisyon ang sampung gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱68,000.
Dinala na sa Sto. Niño Municipal Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.



Comments