iMINDSPH

Inihahanda ng mga tauhan ng Police Station 1 ng Cotabato City Police ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 in relation to COMELEC Gun Ban laban kay Tamontaka 4 Barangay Chairman Thong Gayak at sa dalawang kasamahan nito.

Inaresto ang kapitan alas 11:00 ng umaga, araw ng Sabado, March 1, 2025 matapos ma-flag down sa ipinatupad na joint COMELEC checkpoint ang minamanehong pick up sa De Mazenod Avenue, Rosary Heights 3 ng lungsod.

Nakita at agad kinumpiska sa posesyon ng mga ito ang isang STK 100, Bersa Thunder, Caliber .45 1911 model, magazine at mga bala.

Nasa kustodiya ng Police Station 1 ng Cotabato City Police ang mga naaresto.

Isusumite naman sa RFU BAR ang mga nakumpiskang baril para sa ballistic examination, custody at request para sa firearm verification sa Regional Civil Security BAR.
Comments