top of page

BARANGAY NUTRITION SCHOLAR NG DATU ODIN SINSUAT, MAGUINDANAO DEL NORTE, SUMAILALIM SA TRAINING HINGGIL SA WALANG GUTOM 2027: FOOD STAMP PROGRAM

iMINDSPH



Sumailalim sa training ang mga Barangay Nutrition Scholar ng Datu Odin Sinsuat hinggil sa Walang Gutom 2027: Food Stamp Program.



Pinangunahan ng Municipal Action Center ng Datu Odin Sinsuat ang training ng mga Barangay Nutrition Scholar ng bayan para sa Walang Gutom 2027: Food Stamp Program.



Katuwang ng lokal na pamahalaan ang mga kawani ng Universal health Care at Barangay Nutrition Council.



Ang “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” ay isa sa mga flagship programs ng Pamahalaan sa pamamagitan DSWD na may layuning matulungan ang mahihirap na pamilya sa buong bansa sa pamagitan ng kahalagahan ng tamang pagbili at paghahanda ng masusustansyang pagkain.



Sa pamumuno ni Datu Lester Sinsuat at Vice-Mayor Datu Sajid Sinsuat, Alhadj, kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat sa Walang Gutom 2027 Program ng Pamahalaan para sa isang Bagong Pilipinas na walang gutom na Pilipino.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page