BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua at BIAF-UBJP, buo ang suporta at tiwala sa mga kandidato ng partido sa Maguindanao del Sur
- Diane Hora
- May 6
- 1 min read
iMINDSPH

Nanguna si UBJP Secretary General at BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua sa BIAF-UBJP Assembly Meeting sa UBJP Headquarters sa Talayan, Maguindanao del Sur.

Sa pulong, binibigyang-diin ni Macacua ang kahalagahan ng pagkakaisa, disiplina, at paninindigan.

Ang layunin aniya ng MILF at UBJP ay itaguyod ang kapakanan ng bawat mamamayan ng BARMM.

Nakasama ng opisyal sa pagtitipon ang mga commanders at miyembro ng BIAF.

Sinabi ni Macacua na buo ang suporta at tiwala ng BIAF-UBJP sa mga lokal na kandidato ng UBJP sa Maguindanao del Sur.

Nagpasalamat din ito sa lahat ng dumalo at nakiisa.
Kommentarer