top of page

BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua at Western Mindanao Commander Lt. General Antonio Nafarrete, tinalakay ang usapin sa seguridad at governance initiative sa rehiyon sa isang pulong

  • Diane Hora
  • May 20
  • 2 min read

iMINDSPH



Bumisita kay BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua si Western Mindanao Commander Lt. General Antonio Nafarrete ilang araw matapos ang halalan.



Sa kanilang pulong, tinalakay ng dalawang opisyal ang mga hakbang na mahalaga sa pagpapatuloy ng transition sa BARMM lalo na ang implementasyon ng security measures at governance mechanisms sa local level.



Kabilang dito ang pangakong patuloy na ipatutupad ang Bangsamoro Task Force on Ending Local Armed Conflict (BTF-ELAC) sa provincial at municipal levels upang tugunan ang kinakaharap na security threats sa kasalukuyan at community-based violence gayundin ang infrastructure development issues.



Nagkasundo rin ang dalawang lider na sisikapin na mapahusay pa ang peace process na tututok sa pagpapaunlad ng normalization at transformation programs kabilang dito ang pagkakaroon ng training center sa pakikipatulungan Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para sa kapakanan ng decommissioned combatants.



Ang hakbang na ito ay naglalayon na bigyan ang mga former militants ng livelihood at economic opportunities upang mapadali ang reintegration ng mga ito sa mainstream society.


Pinag-usapan rin ng dalawang opisyal ang mga hamon sa seguridad na kinakaharap sa katatapos na halalan at parehong nangako na tugunan ang mga ito upang mas magiging maayos pa ang nalalapit na BARMM at Barangay elections sa Oktubre at Disyembre ngayong taon.


Tiniyak rin ni Interim Chief Minister Macacua sa AFP na ang BARMM government ay patuloy na magiging bukas para sa komunikasyon, consultation, at collaboration sa pagitan ng local government units sa mga lugar na sakop nito upang isulong ang development, socio-economic initiatives, at essential public services na hindi lamang mahigpit na nararamdaman sa komunidad kundi ang mapanatili at magiging makabuluhan ito.

Kasama ni Lt. General Nafarrete sa pagbisita nito kay Chief Minister Macacua si

Maj. Gen. Donald Gumiran, Commander ng 6th Infantry Division (6ID) at Joint Task Force (JTF) Central.

 
 
 

コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page