top of page

BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua, pinangunahan ang delegasyon ng bansa sa 7th BIMP-EAGA Chief Ministers, Governors andLocal Government Forum

  • Diane Hora
  • Nov 14
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Bilang kinatawan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), pinangunahan ni Chief Minister Macacua ang delegasyon ng Pilipinas sa 7th BIMP-EAGA Chief Ministers, Governors and Local Government Forum sa Davao City.


Kasama rin sa forum ang mga matataas na lider mula sa Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia, at Pilipinas.


Binigyang-diin sa pagtitipon ang pag-unlad ng kooperasyon sa rehiyon na naka-angkla sa moral governance, makabuluhang samahan, at usaping pangkapayapaan, na patuloy na nagbubukas ng mga oportunidad para sa kaunlaran sa rehiyon at sa mas malawak na East ASEAN sub-region.


Ayon kay Chief Minister Macacua, pinatibay ng samahan ang connectivity, advanced digital transformation, agricultural innovation, at climate resilience.


Dagdag pa niya, ang mas malalim na ugnayan sa pagitan ng mga local leaders ay nakalikha ng mga kondisyon para sa inclusive at sustainable development alinsunod sa BIMP-EAGA Vision 2035.


Binigyan-diin din ni CM Macacua na ang mga tinahak ng Bangsamoro mula sa pakikibaka hanggang otonomiya ay patunay na ang kapayapaan ay nagbubunga ng kaunlaran.


Sa pamamagitan ng kolaborasyon, pagkakaisa, at moral governance, mas napapalakas ang komunidad at natutulungan ang hangarin para sa isang matatag na Bangsamoro at mas malakas na Mindanao.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page