BARMM Districting Law, target ipasa ng BTA Parliament ngayong buwan ng Disyembre ayon kay Floor Leader Jet Lim
- Diane Hora
- Dec 1
- 1 min read
iMINDSPH

Anim na bersyon ng panukala kaugnay BARMM Districting Law ang pormal nang inihain sa BTA Parliament.
Ang mga ito ay nai-refer na rin umano sa kaukulang komite ayon kay BTA Floor Leader at
Spokesperson Jet Lim, base sa inisyu nitong pahayag.
Target ng BTA Parliament na maipasa ang districting law sa BARMM ngayong buwan ng Disyembre, ayon sa mambabatas.
Kinikilala rin aniya ng BTA ang paghahanda ng COMELEC para sa first regular Bangsamoro parliamentary elections, gayundin ang ruling ng Supreme Court sa Ali et al. vs. BTA Parliament na malinaw na nagsasaad na ang tanging may kapangyarihan na magtakda ng petsa ng Bangsamoro parliamentary elections ay Kongreso.
Katunayan, ikinasa na ang unang public consultation hinggil sa mga panukala sa Bongao, Tawi-Tawi noong November 6.
Itinakda naman ang susunod na konsultasyon ngayong December 4 sa SGA, Maguindanao del Sur, at Basilan, at December 7 para sa Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, at Cotabato City.
Hinihikayat ng BTA ang publiko na aktibong makilahok sa mga konsultasyon at ibahagi ang kanilang saloobin hinggil sa BTA Bills Nos. 403, 407, 408, 411, 415 and 416.



Comments