BARMM Government, buo ang suporta kay Maguindanao del Norte Vice Governor-Elect Datu Marshall Sinsuat at Datu Odin Sinsuat Vice Mayor-elect Bobsteel Sinsuat sa bagong yugto ng kanilang liderato
- Diane Hora
- May 20
- 1 min read
iMINDSPH

Buo ang suporta ng BARMM Government kay Maguindanao del Norte Vice Governor-Elect Datu Marshall Sinsuat at Datu Odin Sinsuat Vice Mayor-elect Bobsteel Sinsuat sa bagong yugto ng kanilang liderato.

Ito ang sinabi ni Chief Minister Abdulraof Macacua sa pagbisita ng magkapatid sa kanya matapos ang halalan.

Sinabi ni Macacua na magpapatuloy ang pagtutulungan para sa kapayapaan at Moral Governance sa Datu Odin Sinsuat at buong Maguindanao del Norte.
Aasahan umano ang suporta ng kanyang administrasyon sa pamumuno ng magkapatid basta’t nakaugat ito sa Moral Governance at tunay na serbisyo para sa tao.
Comments