top of page

BARMM ministries, isa-isa nang pinupuntahan ng Task Force na binuo ni ICM Abdulraof Macacua para maresolba ang problema sa delayed payments

  • Diane Hora
  • Aug 21
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Inilunsad ng Bangsamoro Task Force on Special Concerns o BTFSC ang serye ng assessment upang maresolba ang matagal nang problema ng delayed payments sa iba’t ibang BARMM ministries, offices, at agencies o BMOAs.


Ang BTFSC ay itinatag ni Chief Minister Abdulraof "Sammy Gambar" Macacua alinsunod sa OCM Executive Order No. 003, series of 2025.


Layunin ng inisyatibo na isaayos ang financial obligations at internal workflows ng bawat ahensya upang matukoy ang mga ugat ng pagkaantala, kabilang ang mga kakulangan sa proseso, dokumentasyon, at usapin sa suppliers at service providers.


Sa unang mga pagpupulong ayon sa Office of the Chief Minister Strategic Communications, kinilala ng Task Force ang pangangailangan na magkaroon ng mas malinaw na sistema ng pagbabayad at mas mahigpit na pagsunod sa mga financial at accounting rules upang maiwasan ang backlog sa hinaharap.


Dumalo umano sa isinagawang assessment ang mga opisyal mula sa iba’t ibang divisions ng mga pinuntahang ministries, at representatives ng Task Force mula sa Office of the Chief Minister gaya ng Office of the Chief of Staff, Internal Audit Office, Bangsamoro Treasury Office, Technical Management Service, at Bangsamoro Attorney General’s Office (BAGO).


Ayon sa OCM-Strategic Communications, sinabi umano Task Force na patuloy na isasagawa ang ang mga pagsusuri sa lahat ng ministries ng BARMM sa mga susunod na linggo upang tiyakin na ang pagbabayad ay magiging mas mabilis, maayos, at transparent bilang bahagi ng pagpapatupad ng moral governance.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page