top of page

BARMM READi, pinalakas ang koordinasyon sa Philippine Coast Guard at Philippine Red Cross

  • Diane Hora
  • Dec 15
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa direktiba ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua, nagsagawa kamakailan ng pagpupulong ang Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o READi kasama ang Philippine Coast Guard.


Layunin ng pulong na lalo pang palakasin ang koordinasyon sa pagsusulong ng maritime safety at seguridad sa buong rehiyon ng BARMM.


Tinalakay rin ng dalawang panig ang mga hakbang upang mas maging epektibo ang pagtugon sa anumang maritime incidents at masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan.


Kasunod nito, nagpulong din ang READi kasama ang Philippine Red Cross, na nagsisilbing Secretariat ng BARMM Anticipatory Action Technical Working Group.


Kumonsulta ang PRC kaugnay ng AdDRRA Project o Anticipatory Disaster Risk Reduction and Resilience Action ng BARMM READi, kung saan mas naging malinaw ang pagkakaayon ng mga estratehiya sa mga pre-disaster actions na idinisenyo upang maiwasan o mabawasan ang epekto ng mga hazard bago pa man ito mangyari.


Ayon sa Bangsamoro READi, mahalaga ang matibay na koordinasyon sa mga partner agencies upang maisakatuparan ang kanilang mandato tungo sa isang mas ligtas at mas resilient na BARMM.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page