top of page

Basilan Gov. Mujiv Hataman, nakipagpulong sa PhilHealth Basilan para talakayin ang kakulangan ng mga doktor sa mga isla sa lalawigan

  • Diane Hora
  • Nov 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa konsultasyon sa pagitan ni Basilan Governor Mujiv Hataman at mga kinatawan ng Philippine Health Insurance (PhilHealth), naging sentro ng talakayan ang isa sa mga hamon na kinakaharap ng mga malalayong isla sa Basilan: ang kakulangan ng mga doktor na tutugon sa pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan.


May tatlong bakanteng posisyon ng doktor para sa mga bayan ng Hadji Muhtamad, Hadji Mohammad Ajul, at Tabuan Lasa.


Layon ng konsultasyon na makahanap ng paraan upang mapunan ang kakulangan ng mga doktor sa mga naturang munisipalidad, lalo na’t ito ay mga island towns kung saan limitado ang access sa mga pangunahing serbisyong medikal.


Ayon sa gobernador, kapag kumpleto ang health team sa bawat munisipalidad, mas magiging handang tumugon ang mga lokal na ospital at rural health units sa mga pangangailangang medikal ng mga mamamayan sa probinsya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page