Basilan Governor-elect Mujiv Hataman, pinangunahan ang pagsasarangsukul sa ilang barangay sa Basilan bilang pasasalamat at paninindigan para sa pagkakaisa aniya ng mamamayan ng Basilan
- Diane Hora
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Kasama ang mga Ulama at mga lokal na lider, pinangunahan ni Basilan Governor-elect Mujiv Hataman ang pagsarangsukul sa Barangay Buli-Buli, Sumisip.

Pasasalamat aniya ito at paninindigan para sa pagkakaisa ng mamamayan ng Basilan.

Sinabi ng bagong halal na gobernador ang pangakong mamuno sa gobyernong bukas, makatao at nakasandig sa pananampalataya, pag-uusap at pagtutulungan.

Sa bayan naman ng Al-Barka-

Sinabi ni Governor-elect Hataman na dito nagsimula at nagtapos ang malakas na alon ng suporta na nagdala sa kanya sa tagumpay.

Ang tiwala aniya ng mga residente sa kanya ang naging pundasyon ng kanyang pagka panalo.
Hinikayat nito ang mga residente na patuloy na maglalakbay para sa mas maunlad at mas matatag na Basilan.
Comments