Basilan Governor Mujiv Hataman, nanawagan ng mas matatag na pagkakaisa sa buong BARMM
- Diane Hora
- Nov 6
- 1 min read
IMINDSPH

Nanindigan si Basilan Governor Mujiv Hataman sa panawagan para sa mas matatag na pagkakaisa sa buong komunidad ng Bangsamoro matapos siyang lumagda, kasama ang apat pang gobernador ng rehiyon, sa isang manifesto ng suporta sa pamumuno ni Bangsamoro Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua noong Nobyembre a-4.
Ayon kay Hataman, ang kanilang pagkakaisa ay mahalagang hakbang upang mapatatag ang pamamahala sa rehiyon at matugunan ang mga pangunahing isyu tulad ng kahirapan, edukasyon, kalusugan, at malnutrisyon.
Binanggit din niya ang mabilis na resolusyon ng insidente sa Tipo-Tipo, Basilan bilang patunay na nagiging epektibo ang pagtugon sa mga hamon kapag nagkakaisa ang pamahalaan, militar, at mga lokal na lider.
Nanawagan din si Hataman na agad na magpatawag ng Council of Leaders at magdaos ng summit na dadaluhan ng mga halal na opisyal, tradisyunal at relihiyosong pinuno, kababaihan, kabataan, katutubo, at mga settler community upang pag-usapan ang mga kasalukuyang hamon ng Bangsamoro.
Ngayon ang panahon para isantabi aniya ang pulitika at magkaisa.
Ang pinakamataas aniyang hangarin ay ang isang Bangsamoro na may hustisya, kapayapaan, at pag-unlad para sa lahat.



Comments