Basilan Provincial Health Office, itinaas ang alerto kontra malaria
- Diane Hora
- Nov 13
- 1 min read
iMINDSPH

Upang mapanatili ang zero malaria case status ng Basilan, nagpapatupad ngayon ng mas mahigpit na health monitoring ang Provincial Health Office lalo na sa mga biyaherong pumapasok sa probinsya.
Nagbabala ang BPHO sa mga dumarating mula sa malaria-endemic countries tulad ng Nigeria, Ghana, Sudan, at Tanzania, na kung makaranas ng lagnat, panginginig, sakit ng ulo, o pananakit ng katawan sa loob ng labing-apat (14) na araw, ay agad na magtungo sa pinakamalapit na health facility para sa blood smear test.
Ayon sa BPHO, ang maagang pagpapasuri ay susi sa mabilis na gamutan at sa pagprotekta ng pamilya at komunidad laban sa sakit.



Comments