top of page

Baterya ng generator at rectifier battery sa cell site ng Globe Telecom sa Glan, Sarangani, ninakaw ng 3 lalaki na agad naaresto ng awtoridad

  • Teddy Borja
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Limang daang libong piso na halaga ng 12 volts generator battery at 48 volts rectifier battery ang ninakaw mula sa cell site ng Globe Telecom sa Glan, Sarangani.


Arestado naman ng awtoridad ang tatlong suspek na residente ng General Santos City matapos matugunan sa loob ng limang minuto ang report.


Kulungan ang bagsak ng mga suspek na sina alyas “Tanloy”, 45 taong gulang, “Tolits”, 52 taong gulang, at “Buknoy”, 37 taong gulang.


Nangyari ang pagnanakaw alas 3:19 ng umaga, araw ng Sabado, June 14 sa Purok Paglaum, Barangay Glan-Padidu, Glan, Sarangani.


Agad nabawi ang dalawang 12 volts generator battery at apat na 48 volts ng rectifier battery mula sa mga suspek sa loob lamang ng limang minutong pagresponde ng awtoridad sa report.


Napigil ang sinasakyan ng mga suspek sa isang checkpoint sa Barangay Kapatan, Glan.


Nasa kustodiya na ng awtoridad ang mga naaresto at haharap sa kasong robbery.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page