Beneficiary and Occupancy Agreement para sa housing project sa Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City, pormal nang nilagdaan ng KAPYANAN at mga benepisyaryo ng programa
- Diane Hora
- Dec 2
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang bahagi ng adbokasiyang palakasin ang pamayanan at itaguyod ang kapayapaan sa Bangsamoro, isinagawa ang signing ng Beneficiary and Occupancy Agreement para sa housing project sa Mother Barangay Tamontaka na pinangunahan ng Kapayapaan sa Pamayanan o KAPYANAN Program.
Ayon sa KAPYANAN, ang aktibidad ay hindi lamang isang kasunduan kundi isang pangarap umano na natupad para sa mga pamilyang magkakaroon na ng access sa isang ligtas at maayos na bahay.
Masaya at nagpapasalamat naman ang mga benepisyaryo sa tulong na ito mula sa Bangsamoro Government.



Comments