Benepisyaryo ng mga programa ng MSSD na pinondohan sa pamamagitan ng TDIF mula 2020 hanggang 2025 umabot na ng 50,000
- Diane Hora
- 8 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Base sa datos na inilatag sa oversight hearing ng Committee on Finance, Budget and Management, araw ng Miyerkules, August 13-
Umabot na umano sa 50,000 ang benepisyaryo ng mga programa ng MSSD na pinondohan sa ilalim ng TDIF.
Kabilang sa mga pangunahing programang sinusuportahan ng TDIF ay ang Angat Bangsamoro Kabataan Tungo sa Karunungan o ABK, ang programang nagbibigay ng student financial aid, Educational assistance mula elementarya hanggang kolehiyo, Kupkop Program o tulong para sa mga ulila, Bangsamoro Sagip Kabuhayan o tulong-pangkabuhayan, Cash for Work programs, pagpapatayo ng early childhood care and development (ECCD) facilities, at Financial support para sa mga institusyon tulad ng Bahay Maria.
Ayon sa ministry, patuloy pa rin ang ilang proyekto para sa 2025, kabilang ang pagtatayo ng dalawang palapag na social development centers at patuloy na ayuda para sa mga disadvantaged groups.
Binigyang-diin ni Committee Chair MP Kitem Kadatuan Jr. ang layunin ng Parliament na pabilisin ang implementasyon ng mga proyekto, lalo na’t papalapit na ang pagtatapos ng transition period.
Commentaires