top of page

Benguet Sangguniang Panlalawigan, bumisita kay South Cotabato Gov. Tamayo para sa Policy and Coffee Industry Benchmarking

  • Diane Hora
  • Dec 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa pangunguna ni Benguet Provincial Vice Governor Marie Rose Fongwan-Kepes, bumisita kamakailan sa probinsya ng South Cotabato ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Benguet para sa isang policy at coffee industry benchmarking.


Kasama rin sa delegation ang mga miyembro ng Committee on Agriculture at Committee on Indigenous Cultural Communities and Indigenous Peoples.


Ang pagbisita ay bahagi ng data-gathering ng Benguet Province para sa mga proposed ordinances na layong bumuo ng Indigenous Peoples Welfare and Development Code at palakasin ang industriya ng kape.


Ibinahagi naman ni Gov. Tamayo ang mga pangunahing best practices ng probinsya, tulad ng libreng edukasyon, libreng hospitalization, at ang matagumpay na locally produced coffee industry, na makakatulong sa agricultural development ng Benguet.


Nauna nang sinabi ni Gov. Tamayo na unti-unting nakikilala ang probinsya sa iba pang LGU sa bansa dahil sa maayos na pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa lalawigan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page