top of page

Best practices sa social media management, crisis communication, at integration ng komunikasyon sa serbisyo ng ministry, ilan sa mga tinutukan ng MSSD sa benchmarking activity nito sa DSWD Field Offic

  • Diane Hora
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Tinutukan ng Information and Communications Division (ICD) ng MSSD ang best practices sa social media management, crisis communication, at integrasyon ng komunikasyon sa kabuuang serbisyo ng ministry sa isinagawa nitong benchmarking activity sa DSWD FO XI noong December 19, 2025.


Sa nasabing aktibidad, ibinahagi ng Regional Director ng DSWD FO XI ang mga estratehiya ng kanilang tanggapan sa epektibong pagpapalaganap ng impormasyon, media relations, digital media services, advocacy promotion, events management, at produksyon ng audio-visual at IEC materials.


Kasama rin sa programa ang pagbisita sa mga pasilidad ng DSWD FO XI upang personal na masuri ang mga pamamaraan sa branding at visibility materials na sumusuporta sa mas malinaw at organisadong komunikasyon.


Ang benchmarking ay bahagi ng learning exposure sa ilalim ng programang “Taqwiyah,” isang salitang Arabic na nangangahulugang pagpapalakas ng kapasidad.


Layunin nito na higit pang palakasin ang kakayahan ng Information and Communications Division (ICD) at Social Marketing Units (SMUs) ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) para sa mas sistematiko at makabuluhang komunikasyon.


Nagtapos ang aktibidad sa feedback session, kung saan tinalakay ng mga kalahok, kabilang ang personnel ng MSSD ICD sa pangunguna ni ICD Head Jeve Alferez, mga section heads ng ICD, at mga heads ng Social Marketing Units ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Sustainable Livelihood Program (SLP) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ang mga natutunang pamamaraan.


Ang mga ito ay inaasahang magsisilbing gabay sa pagbuo ng mga susunod na plano, estratehiya, at action points ng ICD at SMUs para sa mas pinatibay at organisadong komunikasyon ng MSSD.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page