Bigas at food packs, hatid ng Project TABANG sa mga residenteng sinalanta ng kalamidad sa bayan ng Datu Unsay, Maguindanao del Sur
- Diane Hora
- 9 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Hatid ng Project TABANG ang bigas at food packs sa mga residente ng Datu Unsay, Maguindanao del Sur na naapektuhan ng kalamidad.

Ang distribusyon ay pinangunahan ng Ayuda Alay sa Bangsamoro o ALAB program ng Project TABANG, sa pamamagitan ng Rapid Response Team o RRT.

Isinagawa ang paghahatid ng tulong, araw ng Huwebes, a-12 ng Hunyo 2025.

Ayon sa Project TABANG, Ang nasabing ayuda ay bahagi ng patuloy na pagtugon ng Bangsamoro Government sa mga agarang pangangailangan ng mga komunidad sa gitna ng krisis at pagtataguyod ng Moral Governance.

Kommentare