BIR, naglabas ng guidelines hinggil sa letter of authority kasunod ng pagputok ng isyu ng umano’y nangyayaring korapsyon sa issuance nito.
- Diane Hora
- Dec 15
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee, sinabi ni BIR Commissioner Charlito Mendoza na pinapasumite na nila sa mga BIR units ang inventory ng mga nabigay nilang Letter of Authority o LOA at updates sa mga estado nito.
Tiniyak ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na may ilang mga hakbang nang ginagawa ang ahensya para masawata ang pang-aabuso sa pag-issue ng Letter of Authority (LOA), ayon pa sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.
Sa ngayon, nakasuspinde ang pag-iissue ng LOA matapos pumutok ang isyu at mga reklamo tungkol dito.
Sa ngayon, ayon sa report, ay kailangan munang ipaalam sa Office of the Commissioner o sa Office of the Deputy Commissioner ang pag-iissue ng LOA mula sa dating sistema na ang regional directors ang may absolute authority dito.
Lilimitahan na rin ang dami ng LOA na binibigay sa mga taxpayer sa loob ng isang taxable year.
Sinabi rin ni Mendoza na magkakaroon ng portal kung saan mamomonitor ng BIR Commissioner ang mga LOA in real time.
Matatandaan, nagbigay ng pahayag si Senator JV Ejercito na sa projected collection umano ng BIR na P6 billion hanggang P8 billion, halos P2 billion hanggang P3 billion lamang ang nakolekta at ang natitira sa pondo ay napupunta diumano sa kickbacks.
Ipinanawagan din ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa ahensiya kasunod ng alegasyon na sitenta porsyento ng kita nito mula sa letters of authority ay napupunta lamang umano sa korapsyon.



Comments