top of page

Blessing at inagurasyon ng ablution building sa PNP PRO BAR, isinagawa araw ng Lunes

  • Diane Hora
  • 7 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Mayroon nang ablution building ang PNP PRO BAR sa Camp Brigadier General Salipada K. Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.



Isinagawa araw ng Lunes, June 9 ang blessing at inagurasyon ng gusali na pinangunahan ni PNP PRO BAR Regional Director Police Brigadier General Romeo Macapaz.



Nanguna naman sa blessing si PMaj Mohammad Jihadi Abdelgafur, ang Assistant Chief ng Regional Chaplain Service, BAR.



Ang bagong gusali ay pagbibigay halaga ng PNP PRO BAR sa religious at spiritual needs ng kanilang mga tauhan na sumasalamin sa pangako ng organisasyon para sa inclusivity, respeto para sa cultural at religious practices, at pagsusulong ng isang harmonious, values-driven workplace.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page