top of page

Blood Collection Activity, isinagawa ng OPVET Maguindanao del Norte sa Datu Odin Sinsuat para sa Animal Disease Surveillance

  • Diane Hora
  • Nov 12
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Patuloy ang pagsisikap ng Office of the Provincial Veterinarian – Maguindanao del Norte sa pagpapatatag ng mga programa sa disease surveillance at monitoring para sa mga alagang hayop.


Nitong November 5, isinagawa ang Blood Collection Activity sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, kung saan kinolekta ang dugo mula sa mga bibe upang isailalim sa laboratory testing para matukoy ang posibleng pagkakaroon ng Avian Influenza at iba pang nakahahawang sakit na nakaaapekto sa industriya ng manukan at alagang hayop.


Layunin ng programang ito na mapalakas ang maagang pagtuklas, pag-iwas, at pagkontrol sa mga sakit na maaaring makaapekto hindi lamang sa mga alagang hayop kundi maging sa kalusugan ng tao at seguridad sa pagkain.


Ayon sa Office of the Provincial Veterinarian, ang inisyatibang ito ay pagpapakita ng matatag na commitment ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte, sa pamumuno ni Governor Datu Tucao Mastura, upang maisulong ang sustainable livestock at poultry development sa buong lalawigan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page