Bomb expert ng isang lokal na grupo ng terorista, nagbalik loob sa gobyerno
- Diane Hora
- May 23
- 1 min read
iMINDSPH

Isinuko ng isang kilalang bomb expert mula sa hanay ng lokal na grupong terorista ang kanyang sarili sa pamahalaan sa pamamagitan ng 1st Brigade Combat Team.
Sumuko ito, a-21 ng Mayo 2025 sa bayan ng Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Ayon kay Brigadier General Jose Vladimir Cagara, Commander ng 1BCT, hindi muna ibinunyag ang pagkakakilanlan ng nasabing indibidwal para sa kanyang seguridad.
Kasabay ng kanyang pagbabalik-loob, isinuko rin ng dating bomb expert ang mga kagamitang pandigma na kinabibilangan ng isang Uzi 9mm submachine gun at isang 60mm improvised explosive device (IED).
Ang 6ID at JTF-Central ay patuloy na nananawagan sa mga natitirang kasapi ng armadong grupo na isuko ang kanilang armas at tanggapin ang programang reintegrasyon ng pamahalaan para sa isang mapayapa at maunlad na kinabukasan.
Comments