iMINDSPH

Dalawa ang sugatan kabilang na ang isang BPAT member matapos hagisan ng granada ang police car ng Kabacan Municipal Police Station.

Naganap ang panghahagis ng granada alas 10:42 ng gabi, Februry 21, sa tapat ng Tangonan Store, Barangay Osias, Kabacan, Cotabato Province.

Kinilala ang mga sugatan na sina Toto Abdul Sangkopan, 51 years old, Barangay Peace Action Team member, residente ng Kibayao, Carmen at ang 18 years old na si Ahron Jay Tangonan, residente ng Osias, Kabacan.
Kinilala naman ng otoridad ang suspek na si Sam, residente ng Balong, Pikit, Cotabato Province.
Ayon sa Kabacan Municipal Police, habang nagsasagawa ng COMELEC checkpoint ang kanilang mga tauhan sa Barangay Kayaga, isang motorsiklo na kahina-hinala ang sakay ang hindi umano tumigil kaya hinabol ng kanilang mga tauhan.
Nang makarating umano sa Barangay Osias ay biglang lumihis ang suspek at inihagis ang granada sa police car.
Bukod sa dalawang suspek, napinsala din ang patrol vehicle.
Dagdag ng Kabacan MPS, dati nang naaresto ang suspek sa kasong paglabag sa illegal possession of firearms.
Isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatang biktima.
Comentários