BPMA, nagsagawa ng public consultation sa proposed ₱20 Passenger Terminal Fee sa mga pantalan sa Tawi-tawi
- Diane Hora
- Nov 10
- 1 min read
iMINDSPH

Iminumungkahi ngayon ang bente pesos na Passenger Terminal Fee sa mga pantalan ng Bongao, Sibutu at Sitangkai sa Tawi-Tawi kung kaya naman ay minabuti ng Bangsamoro Ports Management Authority ng Ministry of Transportation and Communication na magsagawa ng public consultation upang dinggin ang saloobin ng publiko.
Sa pangunguna ni Minister Termizie Masahud, tinalakay sa konsultasyon ang posibilidad ng exemption ng uniformed personnel, ang 60-40 sharing mechanism sa pagitan ng Bangsamoro Treasury Office at BPMA at ang tamang istruktura ng singil depende sa uri ng gumagamit at pantalan.
Aktibong lumahok sa pag-uusap ang mga kinatawan mula sa mga lokal na pamahalaan, pribadong sektor, mga ahensya ng gobyerno, residente, manggagawa at sektor ng edukasyon.
Ang lahat ng rekomendasyon, komento, at puna mula sa publiko ay isusumite sa BPMA Governing Board para sa final consideration



Comments