BTA Parliament, aprubado na sa 3rd at final reading ang pag-upgrade sa Iranon District Hospital at magiging 200-bed capacity na ang pagamutan mula sa 70-bed capacity
- Diane Hora
- May 20
- 2 min read
iMINDSPH

Aprubado na ng Bangsamoro Transition Authority Parliament sa third and final reading ang Parliament Bill No. 246 o ang Iranon Provincial Hospital Act of 2023.
Apatnapu’t walong mambabatas ang bumoto pabor sa panukala sa pagbabalik sesyon ng mga mambabatas, araw ng Lunes, May 19.
Walang bumoto ng No at walang abstentions.
Ipatutupad ang expansion ng ospital sa loob ng tatlong taon. Ang Ministry of Health, Ministry of Finance, and Budget and Management, at Civil Service Commission ang tututok sa konstruksyon at staffing ng pagamutan.
Sa mahigit dalawampung taon, ang Iranon District Hospital ang nagsisilbing primary government hospital sa bayan ng Parang.
Pero dahil 70 lamang ang bed capacity ng ospital, malaking hamon ang tumataas na health care needs ng komunidad na nagreresulta sa overcrowding, delayed treatments, at shortage ng medical staff.
Sinabi ni Bangsamoro Parliament Health Committee Chair Hashemi Dilangalen na matutugunan ng pag-upgrade ng pagamutan ang matagal nang hamon sa health care, kabilang dito ang overcrowded hospitals at long travel times para sa pagpapagamot.
Bukod sa magiging 200 be capacity na ang Iranon Provincial Hospital, sinabi ni MP Dilangalen na magkakaroon din ng mas maraming doktor, nurses, at medical specialists sa pagamutan.
Tatanggap din ng mga bagong medical equipment ang pagamutan upang mapaunlad pa ang patient care, partikular ang maternal health, emergency services, at chronic disease treatment.
Ang pondo para sa proyekto ay manggagaling sa annual budget ng Ministry of Health na magtitiyak na may sapat na resources ang ospital upang matugunan ang tumataas na demand para sa services.
Sinabi naman ni MP Ishak Mastura, ang pag-upgrade ng ospital ay realisasyon sa pangarap ng Bangsamoro people.
Ang Iranon Provincial Hospital Act of 2023 ay iniakda nina Members of Parliament Ubaida Pacasem, Suharto Esmael, Matarul Estino, Abdullah Hashim, Hashemi Dilangalen, at Marjanie Macasalong.
Comments