top of page

BTA Parliament Members, naghain ng panukala hinggil sa pagtatatag ng Bangsamoro Trust Fund

  • Diane Hora
  • Nov 21
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Upang masiguro ang pagpapatuloy ng mga programang pangkaunlaran at maprotektahan ang hindi nagastos na pondo, naghain ng panukalang batas si Member of Parliament Rasol Mitmug, Jr. hinggil sa Bangsamoro Trust Fund for Development Continuity (BTFDC).


Layunin ng panukalang BTFDC na tugunan ang mga pagkaantala sa implementasyon ng mga proyekto na dulot ng bureaucracy, procurement issues, at limitadong absorptive capacity ng ilang ahensya.


Sa ilalim ng panukala, papayagan ang unutilized pero obligated na pondo na manatili, mailipat, at mai-program sa mga susunod na taon.


Saklaw ng pondo ang mga hindi nagastos na alokasyon mula sa Annual Block Grant, Special Development Fund, at iba pang legal na pinanggagalingan ng pondo.


Maaari itong gamitin para sa pagpapatuloy ng mga proyektong may kinalaman sa imprastruktura, edukasyon, kalusugan, kabuhayan, disaster response, at peacebuilding initiatives.


Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit nito para sa personal o political na gastos.


Pamamahalaan ang BTFDC ng isang Management Board na pangungunahan ng Bangsamoro Finance Minister, at lalagyan ng matitinding transparency at accountability mechanisms, kabilang ang digital fund tracking at public reporting sa pamamagitan ng Bangsamoro Budget and Accountability Management System.


Tutulungan din ang Board ng audit at monitoring units upang matiyak ang wastong paggamit ng pondo.


Pinapayagan ng panukalang batas ang retention ng pondo nang hanggang dalawang taon at maaari pang palawigin ng isang taon para sa mga hindi tinatawag na "extraordinary circumstances" upang masiguro na ang mga proyekto para sa mga komunidad sa BARMM ay magpapatuloy.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page