BTWPB–MOLE, nagsagawa ng Exit Conference para sa facility evaluation ng Pagana Kutawato Corporation
- Diane Hora
- Nov 28
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ng Bangsamoro Tripartite Wages and Productivity Board ng Ministry of Labor and Employment ang Exit Conference para sa facility evaluation ng Pagana Kutawato Corporation, araw ng Huwebes, November 27.
Tinalakay dito ang resulta ng kanilang naging evaluation, mga rekomendasyon, at mga kinakailangang compliance ng establisimiyento.
Pinangunahan ni Board Secretary Bailyn Nanding ang pagtalakay, kung saan maayos na natugunan ang ilang mga concerns ng management ng Pagana Kutawato Corporation at kanilang mga manggagawa.
Layon ng ganitong pagsusuri na magsilbing gabay o framework para sa mga negosyo upang mas mapabuti ang kanilang operasyon, tiyakin ang pagsunod sa batas-paggawa, at higit sa lahat, unahin ang kapakanan ng mga manggagawa.



Comments