top of page

BTWPB ng MOLE, pinalalakas pa ang pagsusulong ng patas na labor standards, nakiisa sa bench marking activity hinggil sa facility evaluation katuwang ang RTWPB XII

  • Diane Hora
  • Aug 19
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Isinagawa ang bench marking acvitity noong Agosto 6, kung saan pinangunahan ng BTWPB Secretariat Board Secretary VI Bailyn Nanding hinggil sa facility evaluation katuwang ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-XII.


Ginanap ang session sa Koronadal City at pinangunahan ni RTWPB-XII Board Secretary VI Eva Karla Lacambra.


Layunin ng aktibidad na ito na magsilbing knowledge-sharing platform upang mapabuti ang proseso at maipantay ang pamantayan sa pagsusuri ng pasilidad sa paggawaan, lalo na sa usapin ng minimum wage compliance monitoring at productivity improvement programs.


Kasunod nito, isang pagpupulong naman ang isinagawa noong Agosto a-12 sa MOLE Regional Office sa Cotabato City kasama ang mga opisyal ng Manabilang Services Inc.


Pinangunahan ito ni MOLE Minister at BTWPB Chairperson Muslimin “Bapa Mus” Sema kung saan tinalakay ang mungkahing per piece wage rate para sa mga manggagawa sa mga banana plantation — partikular na ang harvesting at packing operations.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page