top of page

CAFAR ng BTA Parliament, puspusan ang pagtalakay sa panukalang pagpapalawak ng irrigation inftrastructure at pagtatatag ng Irrigation Coordinating Office

  • Diane Hora
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa kasalukuyan, 41% lamang ng mga lupaing tinatawag na “Irrigable” ang may access sa gumaganang sistema ng irigasyon.


Layon ng Parliament Bill No. 42 na i-upgrade at palawakin ang imprastraktura ng irigasyon sa Bangsamoro.


Samantala, isinusulong naman ng Parliament Bill No. 8 ang pagtatatag ng isang Bangsamoro Irrigation Coordinating Office na mangunguna sa maayos na pagpaplano at implementasyon ng mga programa sa irigasyon.


Sa pagdinig, araw ng Martes, July 29, binigyang-diin ni Undersecretary Zamzamin Ampatuan ng Department of Agriculture ang potensyal ng Bangsamoro sa larangan ng agrikultura, at sinabing kung tatlong beses na tataas ang produksyon sa rehiyon, maaari nitong mabawasan ang pag-angkat ng bigas ng buong bansa.


Ayon sa datos mula sa Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR), marami pa ring magsasaka sa rehiyon ang umaasa lamang sa pana-panahong pag-ulan at limitadong pinagkukunan ng tubig. Ngunit sa ilalim ng mga panukalang batas, layong maipagkaloob sa mga ito ang mas maaasahang sistema ng irigasyon.


Sa Lanao del Sur, mahigit 30,000 ektarya pa ng sakahan ang wala pang maayos na irigasyon. Sa mga bayan ng Kabuntalan at Buldon, nananatiling limitado ang pinagkukunan ng tubig para sa mga pananim ng mga magsasaka.


Ayon kay Senior Minister Mohammad Yacob, dating kalihim ng MAFAR, malaking benepisyo ang maidudulot ng mga panukalang batas sa mga magsasaka at sa pangkalahatang pag-unlad ng ekonomiya sa Bangsamoro.


Sinabi naman ni CAFAR Chair Ma-Arouph Candao na plano ng komite na pag-isahin at pabilisin ang pagpasa ng dalawang panukala.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page