CAPACITY BUILDING TRAINING PARA SA FORCE MULTIPLIERS
- Diane Hora
- Dec 3
- 1 min read
iMINDSPH

Upang palakasin pa ang community-based anti-illegal drug initiatives, nagsagawa ang Provincial Government ng Maguindanao del Sur ng Capacity Building Training for Force Multipliers katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police.
Isinagawa ang aktibidad sa Ampatuan Municipality na dinaluhan ng mga representante mula sa labing-isang barangay nito.
Ang force multipliers ay kinabibilangan ng community volunteers, barangay personnel, at local peace and order advocates na may mahalagang tungkulin bilang suporta sa mga law enforcement agency sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaligtasan, at drug-free communities.
Layon ng training na ito na magkaroon ng kaalaman, kakayahan, at kahandaan ang mga force multipliers sa pagtulong sa mga otoridad, partikular na sa drug prevention, detection, reporting, at coordinated community action.
Tinalakay din sa mga sesyon ang kasalukuyang sitwasyon ng ilegal na droga at drug trends sa probinsya hanggang municipal level, mga tungkulin at responsibilidad ng mga force multipliers sa local anti-drug efforts, basic security awareness at safety protocols, maayos na koordinasyon at reporting procedures, at community-engagement and preventive education strategies.
Nagpasalamat naman ang LGU sa inisyatibang ito na labanan ang problema sa iligal na droga sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon sa pamamagitan ng gobyerno at mga miyembro ng komunidad.
Patuloy naman ang pangako ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur na itataguyod ang kaayusan at kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng komunidad at local mechanisms.



Comments