Captain Jerome Jacuba, tumanggap ng parangal mula sa Armed Forces of the Philippines bilang pagkilala sa kanyang tapang at sakripisyo at itinaas sa ranggo na Major
- Diane Hora
- Dec 3
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang pagkilala sa kanyang tapang at sakripisyo, pinarangalan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Captain Jerome Jacuba—ang sundalong nawalan ng paningin matapos ang pagsabog ng isang Improvised Explosive Device noong 2016 sa Datu Salibo, Maguindanao.
Personal na iginawad ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang parangal noong Martes, December 2.
Napromote din ang opisyal sa ranggong Major, alinsunod sa kautusan ni President Ferdinand Marcos Jr., at itinalaga sa mga tungkuling angkop sa kanyang 15 taon ng serbisyo at karanasan sa operasyon.
Sa pakikipag-ugnayan sa Department of National Defense, sinimulan ng AFP ang komprehensibong pagsusuri sa Complete Disability Discharge (CDD) policy upang mas maprotektahan ang mga sugatan at may kapansanan na kawani—kasabay ng pagpapatibay ng pangako ng AFP na itaguyod ang dignidad, magbigay ng pangmatagalang suporta, at maging katuwang ng mga nasugatan sa tungkulin.



Comments