top of page

CASH ASSISTANCE HANDOG NG PROVINCIAL GOVERNMENT NG MAGUINDANAO DEL SUR AT DSWD SA AKAP BENEFICIARIES NG PROBINSYA

iMINDSPH



Handog ng provincial government ng Maguindanao del Sur at DSWD XII ang cash assistance sa mga benepisyaryo ng lalawigan ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program o AKAP.



Tinanggap ng mga benepisyaryo ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program o AKAP sa probinsya ng Maguindanao del Sur ang cash assistance.



Handog ito ng pamahalaang panlalawigan at DSWD XII.



Ang AKAP ay isang programa na pagbibigay ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program, kung saan benepisyaryo ay ang mga kumikita ng hindi higit sa minumum wage.



Ito ay tulong bilang tugon sa patuloy na pag-angat ng presyo ng mga bilihin.



Pinangunahan ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang distribusyon kasama ang Department of Social Welfare and Development Region XII.


Nagpasalamat naman ang mga beneficiaries sa kanilang natanggap na tulong.


Ang programa ay isa lamang sa mga patuloy na itinataguyod ng pamahalaang panlalawigan upang mai-angat ang lahat ng sektor.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page