iMINDSPH
Tinanggap ng mga volunteer teachers sa probinsya ng Maguindanao del Sur ang cash assistance o allowance ng mga ito sa ilalim ng GMSM Volunteer Teachers Program kasama ang DSWD XII
Nakuha na ng mga volunteer teachers ng Maguindnao del Sur ang kanilang cash assistance, araw ng Miyerkules, September 18.
Ito ay sa ilalim ng GMSM Teachers Program kasama ang DSWD XII.
Ang distribution ay pinangunahan ni Mag Del Sur Provincial Legal, Atty. Josefina Torreña, Executive Assistant IV & GAD Focal, Ms.Nor- Eimman Balayman-Dalaten, RSW at mga Volunteer Teachers ng Probinsiya.
Isinakatuparan ang Cash Assistance for Volunteer Teachers Program na bahagi ng 10-point Socio-Economic Agenda ng Gobyernong may Malasakit sa Maguindanao del Sur na "Opertunidad Para Sa Lahat" sa ilalim ng administrasyon ni Gov. Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa tulong ng DSWD XII at Pangulong Ferdinand "Bong-Bong" Marcos Jr.
Pagpupugay rin ito ng probinsiya sa masusugid na volunteer teachers para sa kanilang walang sawang pagsisikap, pagseserbisyo at pagtuturo para sa ikauunlad at pagkatuto ng kabataan sa buong Probinsiya.
コメント