top of page

Cebu Gov. Pam Baricuatro, humihingit ng hustisya at pananagutan sa mga opisyal at contractors na sangkot sa mahigit P26B na flood control projects na aniya ay hindi nakapagprotekta sa lalawigan

  • Teddy Borja
  • 33 minutes ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Matapos ang malawakang pinsala ng #BagyongTino, hindi napigilan ni Governor Pamela “Pam” Baricuatro ang kanyang emosyon habang humaharap sa media ngayon araw, Nobyembre 6.


Sa ibinahaging impormasyon ng Cebu Provincial Government, Galit, dismayado, at humihingi ng hustisya at pananagutan ang gobernador sa mga opisyal at contractors na sangkot sa mahigit ₱26 bilyong flood control projects na hindi umano nagprotekta sa Cebu mula sa baha, na tinuring nitong deadliest flooding in years.


Ayon sa datos mula sa Sumbong sa Pangulo website, 414 flood control projects na nagkakahalaga ng ₱26.7 bilyon ang ipinatupad sa Cebu mula 2022 hanggang 2025. Gayunman, hindi nito napigilan ang malawakang pagbaha sa timog, kanluran, at hilagang bahagi ng lalawigan.


Kinumpirma ni Gov. Baricuatro na nakipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa National Bureau of Investigation (NBI-7) at nagsumite ng mga dokumentong kaugnay sa mga proyekto. Ipapasa ng NBI ang mga resulta nito sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), na binuo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang imbestigahan ang korapsyon sa mga proyektong flood control.


Tinuligsa rin ng gobernador ang nakaraang administrasyon sa kapitolyo dahil sa umano’y kakulangan ng pangmatagalang solusyon laban sa pagbaha, kabilang ang maayos na flood control systems at mahigpit na pagbabantay sa mga quarry operations sa paligid ng Central Cebu Protected Landscape (CCPL) — ang pangunahing watershed ng lalawigan.


Sa darating na mga araw, inaasahang tatalakayin ni Gov. Baricuatro ang isyu kay Pangulong Marcos, na nakatakdang bumisita sa Cebu upang personal na makita ang pinsala at maghatid ng tulong.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page