top of page

Cellphone technician, arestado sa buy-bust operation ng awtoridad sa Lambayong, Sultan Kudarat; P241K halaga ng suspected shabu, nasamsam

  • Teddy Borja
  • Nov 3
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Himas rehas ang isang cellphone technician sa ikinasang buy-bust operation kung saan, nasamsam ang 241 thousand pesos na halaga ng suspected shabu.


Alas 6:42 na gabi, araw ng Linggo, November 2 nang ikasa ng awtoridad ang buy-bust operation sa Barangay Didtaras ng bayan.


Arestado sa operasyon ang suspek na kinilala sa alyas na “Jun-Jun”, 25-anyos.


Bukod sa iligal na droga, nasamsam din ng awtoridad ang isang cellpone at motorsiklo.


Ang naarestong indibidwal at nakuhang ebidensiya ay dinala na sa Lambayong MPS para sa proper documentation at pagsasampa ng kaukulang kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page