Ceremonial condemnation at disposal ng ₱42M halaga ng puslit na sigarilyo ang isinailalim ng Bureau of Customs sa condemnation at disposal
- Teddy Borja
- Dec 17
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang ceremonial destruction sa General Santos City Sanitary Landfill sa Barangay Sinawal, kung saan siniguro ng PRO-12 ang seguridad at kaayusan ng aktibidad na pinangunahan ng Bureau of Customs.
Ayon sa BOC, kabuuang 1,075 master cases o kahon ng smuggled cigarettes ang isinailalim sa disposal, na may tinatayang halagang higit ₱42,000,000. Ang mga ito ay nakumpiska sa mga naunang operasyon ng PRO-12 at pormal na itinurn-over sa Bureau of Customs.
Upang matiyak na hindi na muling makakalusot sa merkado ang kontrabando, winasak ang mga iligal na sigarilyo sa pamamagitan ng burial at shredding.
Dumalo sa ceremonial destruction sina PLTCOL Aldrin Gonzales, Deputy City Director for Operations ng General Santos City Police Office; Nonoy Pareja, hepe ng General Santos City Sanitary Landfill; at Ira Leroy Sasota ng Commission on Audit–Koronadal City.
Pinangunahan naman ang aktibidad ni Angelito Agulto, Customs Operations Officer IV ng BOC Sub-Port of General Santos, kasama ang iba pang personnel ng ahensya.
Muling iginiit ng PRO-12 ang kanilang matibay na suporta sa pinalalakas na ugnayan ng mga ahensya ng gobyerno sa laban kontra smuggling at ilegal na kalakalan, gayundin sa pangangalaga ng kita ng pamahalaan, kalusugan, at kaligtasan ng publiko.



Comments