Chief Tanod ng Rosary Heights 5, Cotabato City, pinaghahanap ng awtoridad kaugnay sa umano’y insidente ng pagpapaputok ng baril sa barangay
- Teddy Borja
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinaghahanap ng awtoridad ang Chief Tanod ng Rosary Heights 5, Cotabato City kaugnay sa umano’y insidente ng pagpapaputok ng baril sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng Cotabato City Police, sunod-sunod na putok ng baril ang narinig sa 2nd Road, Don E. Sero Subdivision, alas 10:57 ng umaga, araw ng Sabado, June 14, 2025.
Rumisponde ang mga elemento ng Police Station 2 sa pinangyarihan ng insidente kasunod ng kanilang natanggap na report.
Itinuturong suspek ang 40-anyos na Chief Tanod na residente rin sa lugar base sa report ng Cotabato City PNP.
Sa rekord ng pulisya, biktima sa insidente ang dating kapitan ng barangay.
Sa report ng pulisya, labinlimang fired cartridge cases na pinaniniwalaang mula sa caliber 5.56 ang narekober sa crime scene.
Dinala na ang mga ito sa Regional Forensic Unit-BAR para sa Ballistic Examination.
Hindi pagkakaunawaan ang isa sa mga anggulo na tinitingnan ng awtoridad na motibo sa insidente.
Comments