Child Development at School Nutrition Program Workers sa bayan ng Sultan Mastura, MDN, sumailalim sa training para palalimin pa ang kaalaman at kasanayan sa early childhood care development
- Diane Hora
- Nov 21
- 1 min read
iMINDSPH

Sumailalim sa tatlong araw na pagsasanay ang mga child development workers (CDWs) at school nutrition program workers ng bayan ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.
Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office ang programa na naglalayong palakasin ang kakayahan ng CDWs at SNP workers sa paghahanda ng developmentally appropriate learning programs, suportahan ang conversion ng Day Care Centers tungo sa Child Development Centers, at ihanda sila para sa CDC assessment at accreditation.
Itinuro sa kanila ang Philippine ECCD Framework, Bangsamoro ECCD Provisions, at Standard Guidelines for Early Childhood Programs.
Binigyang-diin din ang pag-unawa sa child growth and development at ang pagpapatupad ng National Early Learning Curriculum gamit ang learning packages.
Suportado naman ni Mayor Armando Mastura ang hakbang na bahagi ng pundasyon para sa mga kabataan tungo sa isang mas maunlad na bayan.



Comments