Children’s Month, ginunita sa Barangay Rempes, Upi, Maguindanao del Norte; MDN Provincial Government, nakiisa sa selebrasyon
- Diane Hora
- Nov 21
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang kinatawan ni Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura, dumalo si Chief off Staff Bai Idang Mastura sa paggunita ng Barangay Children's Month Celebration sa Barangay Rempes, Upi, Maguindanao del Norte.
Sinaksihan ng Provincial Government ang pagbabahagi ng State of Children Address ng barangay na nakatuon sa pagtutok sa kapakanan ng mga bata sa komunidad.
Namahagi rin ng school bags at school supplies sa mga piling mag-aaral bilang suporta sa edukasyon sa mga kabataan.
Ito rin ay pagpapalakas ng kanilang pangarap at inspirasyon sa pag-aaral.
Sa ilalim ng liderato ni Governor Mastura, patuloy ang pagsusumikap na itaguyod ang kapakanan at kinabukasan ng mga bata.



Comments