City-Level Top 4 High-Value Individual, timbog sa anti-illegal drug operation sa Davao City, kung saan nasamsam ang ₱102,000 halaga ng suspected shabu
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isa sa tinaguriang City-Level Top 4 High-Value Individuals sa isinagawang operasyon ng Davao City Police Office, kung saan nasamsam ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱102,000.00.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Doy-Doy.”
Ayon sa awtoridad, bahagi ito ng A.V.A.O. Framework ng DCPO, o ang Discipline, Action, Virtue, Accountability, at Order.
Pinuri ni Acting City Director PCOL Mannan Caracas Muarip ang kanyang mga tauhan sa kanilang dedikasyon at propesyonalismo, na nagpapalakas sa tiwala ng publiko at nagpapatatag ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.
Tiniyak din ng DCPO na magpapatuloy ang agresibong kampanya laban sa mga indibidwal na lumalabag sa batas sa droga, at patuloy ang koordinasyon sa iba pang ahensiya.



Comments