COMELEC at Integrated Bar of the Philippines, lumagda ng kasunduan para sa unang BARMM Parliamentary Elections sa Oktubre
- Diane Hora
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang bahagi ng paghahanda para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections na nakatakdang idaos sa Oktubre 13, 2025-
Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Commission on Elections (COMELEC) at Integrated Bar of the Philippines (IBP).
Ginanap ito sa Marawi Convention Center na pinangunahan ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, kasama sina COMELEC BARMM Regional Director Atty. Ray Sumalipao at BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.
Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), mga regional political parties, lokal na opisyal mula sa iba’t ibang bayan sa Lanao del Sur, at iba pang stakeholders.
Layunin ng kasunduan na palakasin ang pagtutulungan ng COMELEC, IBP, at iba pang sektor sa maayos na pagpaplano at pagpapatupad ng mga mekanismo para sa halalan. Kabilang dito ang pagbabantay laban sa karahasan, iregularidad, at anumang banta sa integridad ng eleksyon.
Binigyang-diin ni Chairman Garcia ang kahalagahan ng pagkakaisa ng bawat sektor sa pagsuporta sa demokratikong proseso sa Bangsamoro. Aniya, ang ganitong kolaborasyon ay susi sa tagumpay ng makasaysayang halalan sa rehiyon.
Comments