Committee on Local Government ng BTA, nagpulong at tinalakay na ang usapin kaugnay sa paggamit ng Local Government Support Fund at Salamat Excellence Award for Leadership (SEAL)
- Diane Hora
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tinatalakay ng komite ang BTA Bill No. 355 na inihain ni MP Naguib Sinarimbo, kasalukuyang Chair ng CLG.
Ang SEAL Award ay kasalukuyang ipinatutupad ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) bilang pinakamataas na parangal para sa mga lokal na opisyal sa Bangsamoro.
Ayon kay Sinarimbo, na dating nagsilbing MILG Minister nang inilunsad ang programa, layon ng panukalang batas na ito na gawing institusyon ang SEAL Award upang maisulong ang good governance at magbigay ng insentibo sa mahusay na pamumuno sa lokal na antas.
Plano rin ng CLG na kumonsulta sa Mindanao State University at mga eksperto sa Islamic finance upang masiguro na ang disenyo ng parangal ay angkop sa kultura at teknikal na pamantayan ng rehiyon.
Bukod dito, sinimulan din ng komite ang pagtalakay sa findings ng House of Representative hinggil sa paggamit ng Local Government Support Fund (LGSF).
Inatasan ni Speaker Pangalian Balindong ang Blue Ribbon Committee at ang CLG na ihanda ang kanilang mga natuklasan at rekomendasyon mula sa mga isinagawang pagdinig.
Ang mga ito ay isusumite sa House Committee on Public Accounts para sa karagdagang pagsusuri at posibleng pagsasagawa ng mga kaukulang patakaran.
Commentaires