Committee on Public Order and Safety ng BTA Parliament, nanawagan sa NAC na bilisan na ang amnesty process ng mga miyembro ng MILF at MNLF at hiniling kay PBBM na suspendihin ang arrest warrant
- Diane Hora
- 7 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Inaprubahan ng Committee on Public Order and Safety ng BTA Parliament ang resolusyon na nananawagan sa National Amnesty Commission na bilisan na ang amnesty process ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Moro National Liberation Front o MNLF.
Hiniling din ng komite kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin ang arrest warrants laban sa mga MILF at MNLF members sa kasagsagan ng amnesty period.
Hinihikayat din ng komite si Chief Minister Abdulraof Macacua na lumikha ng
ministerial post na nakatutok sa normalization efforts.
Nanawagan din ang komite sa Ministry of the Interior and Local Government (MILG) at sa Ministry of Public Order and Safety (MPOS) na palakasin ang public awareness campaigns hinggil sa Presidential Decree 1727, na nagpi-penalize sa bomb threats at pagpapakalat ng maling impormasyon.
Comments