top of page

Committee on Social Services and Development, nagsasagawa ng forum para i-assess ang implementasyon ng RA 11596, ang batas na nagbabawal sa child marriage, at ang mga implikasyon nito sa mga komunidad

  • Diane Hora
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Nagharap sa forum ang mga legal experts at law students, civil society, religious leaders, at youth groups upang bigyang-linaw ang mga probisyon ng batas at talakayin ito alinsunod sa Islamic at customary practices.


Ayon kay Committee Chair Nurredha Misuari, layunin ng hakbang na isulong ang informed discussion, iwasan ang misinformation, at suportahan ang batas hinggil sa child protection.


Binigyang-diin din ng mga legal experts ang mga probisyon ng batas, papel ng implementing agencies, at ang legal framework sa ilalim ng national legislation upang maprotektahan ang karapatan ng mga kabataan sa BARMM.


Tinalakay rin sa forum ang mga hamon sa implementasyon ng batas at ang pangangailangan ng masinsinang konsultasyon sa pagitan ng mga mambabatas, komunidad, at faith leaders.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page