Committee report ng Blue Ribbon ng BTA Parliament, na nakatutok sa pagpapabuti ng payment process para sa suppliers ng iba’t ibang ministries at offices sa BARMM, pinagtibay
- Diane Hora
- Nov 26
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pulong Blue Ribbon Committee ng BTA Parliament, araw ng Martes, November 25, pinagtibay ng komite ang kanilang report hinggil sa pagpapabuti ng payment processes para sa suppliers ng iba’t ibang ministries at opisina ng BARMM.
Ayon sa BTA, binigyang-diin ni Chief Minister Abdulraof Macacua ang agarang pangangailangan na resolbahin ang isyu, kasabay ng pagbanggit sa kanyang executive order na bumuo ng Bangsamoro Task Force on Special Concerns at Task Force on Infrastructure Projects bilang mahahalagang hakbang para mapabilis at mapaayos ang operasyon ng pamahalaan.
Inilatag ng komite ang mga rekomendasyon para palakasin ang proseso ng gobyerno, kabilang dito ang pag-iinstitutionalize ng task forces para mas mahigpit na pagpapatupad, pag-authorize ng alternate signatories sa pamamagitan ng legislation, pag-establish ng malinaw na protocols tuwing election periods at pagtatakda ng guidelines para sa contract management na tugma sa national laws.
Nasa pinagtibay na committee report, hinimok din ang patuloy na capacity building para sa procurement personnel, pag-hire ng karagdagang tauhan, pagpapahusay ng budget execution at monitoring upang matiyak ang timely payments at maayos na project implementation.
Pinangunahan ang pagdinig ni Committee Chair Rasol Mitmug Jr., kung saan ipinagpatuloy ngayong araw sa pagsusuri sa transparency ng iba pang government transactions.



Comments