top of page

Community Health Workers (CHWs) sa Parang, Maguindanao del Norte, sumailalim sa pagsasanay para sa nalalapit na research study ng UPLB Los Baños hinggil sa paglaban sa malnutrisyon ng mga batang edad

  • Diane Hora
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ang masuri kung gaano ka epektibo ang mga interbensyon na pinangungunahan ng CHWs sa paglaban sa malnutrisyon ng mga batang edad lima pababa ang layunin ng pag-aaral ng UP Los Baños na pinamagatan na “Study to Assess the Effectiveness of a Community Health Worker-Led Outpatient Management of Wasting Using a Contextualized Philippine Integrated Management of Acute Malnutrition Protocol: A Single-Arm Trial Among Under-Five Children in Maguindanao”.


Sa isinagawang pagsasanay, tinuruan ang mga CHW kung paano kilalanin ang mga batang kulang sa nutrisyon sa kanilang mga komunidad, matukoy ang angkop na paggamot sa lokal na antas, tiyakin ang tamang proseso ng admission at referral, at makipag-ugnayan nang epektibo sa mga pamilya.


Nagpapasalamat ang Municipal Nutrition Action Office ng LGU Parang sa hakbang tungo sa pagpapalakas ng komunidad.


Para naman sa Municipal Health Officer ng Parang LGU, isang malaking karangalan anila para sa kanilang tanggapan ang makibahagi sa pananaliksik na ito, na layuning mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng mga batang Bangsamoro, at makapaglatag ng modelo para sa epektibong community-based outpatient management ng acute malnutrition.


Tiniyak ng RHU Parang ang kanilang patuloy na suporta sa mga inisyatibang tutugon sa malnutrisyon at magsusulong ng mas malusog na kinabukasan para sa kabataang Parang.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page