Construction worker, arestado sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte matapos mahuli sa akto ng awtoridad na gumagamit ng iligal na droga
- Teddy Borja
- Aug 8
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte-
Arestado ang isang construction worker na huli sa akto ng mga awtoridad na gumagamit ng iligal na droga.
Kinilala ang naarestong indibidwal sa alyas na “Mel”, 30 taong gulang.
Inaresto ito alas 3:30 ng hapon sa Sitio Mangga, Barangay Katuli.
Ayon sa awtoridad, tumanggap sila ng report mula sa opisyal ng isang barangay hinggil sa isang pot session sa lugar.
Sa aktwal na operasyon, naaktuhan ng mga pulis ang suspek habang gumagamit ng iligal na droga. Nakuha mula sa kanya ang isang maliit na sachet ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.
Ang mga narekober na ebidensya kabilang ang 0.18 gramo ng hinihinalang shabu at mga gamit sa iligal na droga ay maayos na naidokumento at isinailalim sa wastong proseso ng pulisya para sa karampatang disposisyon.
Patuloy ang panawagan ng PNP sa publiko na makipagtulungan sa kampanya kontra-iligal na droga sa pamamagitan ng maagap na pag-uulat sa mga kahina-hinalang aktibidad sa kanilang mga komunidad.



Comments